Waterskiing, wakeboarding at archery, naka-ginto rin

Photo: Espn5 (left/right)
Naghari at nag-reyna ang Pilipinas sa larangan ng Waterskate sa 30th Southeast Asian Games sa Deca Wake Park sa Angeles City, Pampanga.
Parehong kampeon sina Jhondi Wallace at Susan Larsson upang ipamalas ang angking kalidad ng Pinoy sa pagtambling sa tubig.
Nag-tanso rin ang Pilipinas sa panig ng kalalakihan salamat kay Christian Michel Joson.
Hindi rin nagpahuli ang mga pambato sa Wakeboard kung saan nagbigay ng pilak sina Samantha Bermudez sa kababaihan habang pilak at tanso ay ibinigay nina Raphael Trinidad at Ralph Gelo Villaro sa kalalakihan.
Sa larangan ng Archery, tiniyak ng mag-asawang manunudla na sina Paul Marton at Rachelle Anne dela Cruz na hindi maba-blanko ang Pilipinas sa Archery ng 30th Southeast Asian Games sa Clark Parade Grounds, Lunes ng hapon.
Bilang huling pag-asa ng bansa sa Mixed Team Compound, tinalo nila ang tambalan ng Vietnam para sa una at nag-iisang medalya sa disiplina, 148-147. Isa-isang nawala ang mga pambatong manunudla ng Pilipinas sa limang araw na palaro.
Dinomina ng Vietnam at Thailand ang Archery na parehong may tatlo sa 10 gintong ipinaglaban.





Comments