Taas-singil sa kuryente ngayong Disyembre
- V. Reyes
- Dec 10, 2019
- 1 min read

Inaasahan ang pagtataas sa singil ng kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Disyembre.
Nasa P0.304 kada kilowatt hour (kWh) ang dagdag-singil na ipatutupad dahil umano sa pagmahal ng kuryente sa spot market dulot ng serye ng mga yellow alert sa Luzon sa nakalipas na buwan.
Ang pagsasailalim ng Luzon grid sa yellow alert ay hudyat ng pagnipis ng suplay ng reserbang kuryente.
Samantala, katumbas ang dagdag-singil ng P60.80 para sa mga kabahayang kumukonsumo ng 200 kWh, P91.20 sa konsumong 300 kWh, P121.60 sa 400 kWh, at P152 sa 500 kWh.





Comments