Mga swak na X’mas gifts sa mahihilig mag-selfie

Kung may mga kaibigan o kapamilya tayong camera-shy, meron ding wagas kung mag-selfie at kapag may mga okasyon o ganap, sila ang unang magpo-post ng pictures sa socmed. Ha-ha-ha! Gayunman, kung nag-iisip na kayo ng perfect na panregalo para sa kanila, don’t worry dahil we got you, lodi! Narito ang ilang gift ideas para sa mga beshy nating mahilig mag-selfie:
1. SELFIE RING LIGHT LENS. Kung mahilig mag-picture ang pagbibigyan n'yo, for sure, kailangang maganda rin sila sa photo. Agree? At dahil ang isa sa mga sikreto para magkaroon ng IG (Instagram)-worthy photo ay ang magandang lighting, perfect itong ipanregalo. Hindi na niya kailangan ng natural sunlight dahil kering-keri niyang magkaroon ng pak na pak na picture anytime kapag meron siya nito.
2. WIDE 18MM LENS. Dahil hindi lahat ng phone camera ay ‘fit’ sa mga beshy nating mahilig mag-selfie o kumuha ng mga picture ng ibang tao at bagay, perfect itong regalo para sa kanila. Hindi na kailangan ng digital camera with zoom lens dahil ang attachable and detachable wide 18mm lens ay swak na swak para ma-capture ang magandang background o view nang hindi kailangan magbitbit ng mabigat na camera.
3. PEEL AND STICK WALLPAPER. Bukod sa magandang specs ng camera, bet na bet din nila ang magandang background. Bagama’t, oks din naman ang plain white background, hindi na ito IG-worthy para sa iba kaya mas gusto nila ang makulay at unique na designs.
Hindi mo na rin poproblemahin ang paghahanap nito dahil napakarami nito sa mga malls at shopping websites.
4. PHONE TRIPOD. Kahit gaano kaganda ang outfit of the day (OOTD) o ang background mo, balewala ito kung hindi mo mapi-picture-an nang buo. Dahil dito, siguradong magugustuhan ng reregaluhan mo ang phone tripod.
Yes, besh, hindi lang digital camera ang ginagamitan nito dahil meron na ring tripod para sa cellphone. Naiikot at nabe-bend din ang legs nito kaya hindi hassle kapag naghahanap siya ng magandang anggulo. Ayos!
5. POWERBANK. Para sa mga mahihilig mag-picture, wala nang mas nakaka-badtrip kapag naubusan ng battery ang cellphone. ‘Yung feeling na hindi mo makuhanan ng picture ‘yung moment dahil lowbat ang phone mo.
Asar, ‘di ba? Kaya para no more imbyerna kapag nagkaubusan ng battery, make sure na ito ang ibibigay n'yo sa kanila.
For sure, nakakuha kayo ng ideya ng swak sa personality at trip ng reregaluhan n’yo.
Sana ay nakatulong ang ilang suggestions na ito para sa inyong stress-free gift shopping.
Okay ba?





Comments