top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Manliligaw pa lang, feeling asawa na kung umasta, password ng girl, gustong malaman

  • Roma Amor
  • Dec 10, 2019
  • 1 min read

Dear Roma, Naiinis ako sa nanliligaw sa akin dahil isang buwan pa lang siyang nanliligaw, pero kung umasta ay daig pa ang asawa. Gusto niyang hingin ang password ng lahat ng social media accounts ko para raw makasigurado siya na hindi ko siya lolokohin. Ang sabi niya, kaya raw siya ganu’n ay dahil niloko siya ng ex niya kaya may trust issues siya. Minsan tuloy, parang ayaw ko na siyang patuluyin sa panliligaw niya. Ano ang gagawin ko? —Adhel

Adhel, Naku, sis, nakakainis nga ‘yan dahil hindi pa nga kayo, eh, parang binabakuran ka na. Tsk! Gayunman, hindi excuse ‘yung panloloko sa kanya ng ex niya para maging ganyan ang trato niya sa’yo. Tandaan, ang matibay na relasyon ay nagsisimula sa pagkakaroon ng tiwala sa isa’t isa kahit ano pa ang pinagdaanan n’yo sa mga nauna ninyong relasyon. Kung feeling mo ay sobra na, huwag kang mahiyang mag-voice out dahil para sa’yo rin ‘yun. Good luck!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page