Last year pa raw hiwalay ang BF sa madir ng 2 anak… Priscilla, ipinagsigawang single si Jomari nang
- Ronalyn Seminiano
- Dec 10, 2019
- 1 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Photo: Ang Probinsyano (right)
After 15 years, nagbalik sa mundo ng showbiz ang kontrobersiyal na si Priscilla Almeda, a.k.a Abby Viduya.
Naging maingay ang pangalan ni Priscilla dahil sa ex-live-in partner ni Jomari Yllana na si Joy Reyes. Ibinulgar ni Joy na inabandona diumano ni Jomari ang dalawa nilang anak nang dahil sa ibang babae at inamin naman ng aktor na may relasyon sila ngayon ni Priscilla.
Parte na ng Ang Probinsyano si Priscilla bilang si Krista Sandoval na mistress ng isang businessman.
Samantala, sa comeback ni Priscilla ay nagsalita na rin siya tungkol sa pagkakadawit ng pangalan niya sa issue ni Jomari at ng ex-live-in partner nitong si Joy.
Sa panayam ng PEP, sabi ni Priscilla, “We just mutually decided that it’s time for us to be happy. I’m happy with him.”
Naging magkarelasyon na ang dalawa noong kasagsagan ng kanilang showbiz career at pag-amin pa ni Priscilla, “First love ko si Jom and we are given a chance to finally be together.
“Jom has always had a special place in my heart ever since we were 15. That has never gone away.”
Ang alam daw ni Priscilla ay noon pang 2018 hiwalay sina Jomari at Joy.
Aniya, “They have been separated for over a year na when I came back into Jomari’s life. We are both very much single... well, not single anymore. We are back together na kasi.”
First love never dies ang peg!





Comments