GMA-7, binanatan… Alden-Julie Anne love team, 'di ma-take ng fans, pinalagan
- Nitz Miralles
- Dec 10, 2019
- 2 min read
Nitz Miralles / Bida

This Tuesday ang narinig naming schedule ng rehearsal ng All Out Sunday, ang musical show ng GMA-7 na ipapalit sa Sunday PinaSaya.
Si Director Mark Reyes ang magdidirehe ng All Out Sunday at aniya ay sa January 5, 2020 na magaganap ang pilot airing kaya hindi totoo ang napabalitang si Paolo Valenciano ang direktor nito.
Curious ang mga Kapuso viewers sa logo caption ni Direk Mark na “01.05.2020 GMA #AyOS” dahil All Out Sunday ang title ng musical show kaya dapat ay #AOS ang hashtag na ginamit.
Anyway sa logo, makikitang sina Alden Richards at Julie Anne San Jose ang dalawa sa mga headliners ng All Out Sunday kasama sina Glaiza de Castro, Christian Bautista at Mark Bautista, ganu’n din sina Paolo Contis, Ken Chan, Rita Daniela, Miguel Tanfelix, Rayver Cruz, Kyline Alcantara, Golden Cañedo, Jo Berry, Boobay, Mavy and Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso (anak ni Manila City Mayor Isko Moreno), Kim de Leon (StarStruck 7 male winner), Garrett Bolden of The Clash 1 at iba pa.
Ini-expect naming kasama sina Aicelle Santos at Shayne Sava na StarStruck female winner, pero wala sila sa posted logo. Akala rin namin, kasama si Lani Misalucha sa line-up.
Anyway, malalaman natin ang complete line-up after ng storycon.
‘Kalokah lang dahil ginagawan na naman ng isyu sina Alden at Julie Anne dahil sa All Out Sunday na pagsasamahan nila.
Sinisisi na naman ng ibang fans ang GMA-7 na hindi raw tumitigil sa pagbi-build-up ng love team ng dalawa, eh, hindi naman sila love team, magkasama lang uli.
Samantala, kaya nasa Baguio si Alden ay dahil Bible bearer siya sa kasal nina Joyce Ching at Kevin Alimon.
Sa kasal nina Rodjun Cruz at Dianne Medina sa December 21, kasama rin sa entourage si Alden kaya habang wala pa siyang love life at hindi pa ikakasal, abay muna siya sa wedding ng mga kaibigan at tuloy ang trabaho.
Speaking of trabaho, may pasabog ang The Gift na pinagbibidahan ni Alden. Nalaman na ni Jared (Martin del Rosario) na anak ng mom niyang si Nadia (Jean Garcia) si Sep (Alden).
Ano ang gagawin ni Jared ngayong nalaman na niyang half-brother niya ang kinamumuhiang si Sep?





Comments