Casugay, may award kay P-Du30 nang sagipin ang kapwa atleta

Hindi laging medalya ang napagwawagian ng mga bayaning atleta, nagwawagi rin sila sa puso at paghanga ng buong bansa.
Ikinatuwa ni Philippine Sports Commission Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang isang atletang bayani na tulad ni Roger Casugay dahil sa ipinakitang sportsmanship at sacrifice, na isang ugaling taglay ng tunay na mandirigmang Pilipinong atleta, “I will include Roger in our awarding in Malacanang to meet the President. The PSC will give him a plaque of recognition for his heroic deed and a cash incentive to be approved by the PSC board,” saad ni Ramirez sa kanyang statement.
Ang naging sakripisyo at kabayanihan ni Casugay ngayon ay nakatala sa istorya ng sportswriters, ng media at ng netizens.
Bago niya nasungkit ang gold medal sa men’s longboard open event sa surfing, una muna siyang nakagawa ng sakripisyo sa sports, hindi muna inalintana ang pakikibaka, sa halip ay tumulong muna sa pagliligtas ng buhay ng kapwa niya atletang nilamon ng malaking alon sa gitna ng kompetisyon.
Sinagip niya ang surfing rival na si Indonesian Arip Nurhidayat, na nanganib malunod sa Monalisa Point beach sa La Union matapos na mapigtal ang tali ng surfing board sa paa nito, na lumikha ng pinakamalaking istorya ng 30th Southeast Asian Games mula sa 6 na araw ng unang paghakot ng iba pang atleta ng gintong medalya.
Isang dakilang istorya na karapat-dapat na maging inspirasyon ng iba pa.
Mapaalalahanan tayong lahat na sa sports hindi lang ang pagwawagi ang mahalaga, kundi kung paano isasapuso ang paglalaro.





Comments