Surigao Del Sur, nilindol
V. Reyes
Dec 9, 2019
1 min read

Niyanig ng Magnitude 3.4 na lindol ang Surigao del Sur, kahapon ng umaga.
Batay sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 13 kilometers northeast ng Cortes alas-8:52 ng umaga.
May lalim ang lindol na 26 kilometers at tectonic ang dahilan.
Wala namang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.





Comments