top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Para sa mga may ambag sa komunidad.. Kalina-unahang summit sa LGBTQ

  • Mylene Alfonso
  • Dec 9, 2019
  • 1 min read

Naglunsad ng kauna-unahang summit para sa LGBTQ sa Palayan City, Nueva Ecija.

Ayon kay Palayan City Mayor Rianne Cuevas, malaki ang naging ambag ng LGBTQ sa pag-unlad ng lungsod kaya nila ito kinilala sa pagdaraos ng 1st Palayan Rainbow.

Daan-daang miyembro ng LGBTQ sa lugar ang dumalo sa pagtitipon para ipahayag ang kanilang mga opinyon, saloobin at ipinamalas na rin ang kanilang mga talento sa larangan ng beauty contest.

Mahalaga umano ang mga kontribusyon ng LGBTQ sa kanilang komunidad na nagpamalas ng ganda, art, fashion, matagumpay na pagnenegosyo at iba pa.

Samantala, tinukoy din na maraming LGBTQ ang naging matagumpay sa larangan ng entrepreneurs, doctors, lawyers, miyembro ng academe at iba pang talento na kanilang taglay. Nangako naman ang alkalde na masusundan pa ang naturang summit bilang pagkilala sa mga kakayahan at kontribusyon ng grupo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page