top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Para iwas-lugi… Tips para tumatag ang negosyo

  • Twincle Esquierdo
  • Dec 9, 2019
  • 2 min read

Maraming Pilipino ang nagnenegosyo, ngunit hindi lahat ay nagtatagumpay. Gayundin, sa dami ng nagnenegosyo at dahil pabagu-bago ang gusto ng tao, may ilang sumusuko na lang at nagsasara dahil nalugi o hindi pumatok.

Sa kabila ng pagsubok na ito, narito ang ilang paraan para mapatatag ang inyong negosyo:

1. SIPAG AT TIYAGA. Kung mayroon ka nito ay tiyak na uunlad ang negosyo mo dahil ito ang isa sa mga sikreto ng mga matagumpay na negosyo dahil sa paniniwala na hindi umuunlad ang mga tamad. Sa pagka­karoon ng sipag at tiyaga, hindi lang ne­gosyo mo ang uunlad kundi pati ang mga kasamahan mo.

2. HUWAG MA­TAKOT MABIGO. Ang pagnenegosyo ay maituturing na sugal dahil hindi mo alam kung magiging successful ito o hindi. Siguradong darating ang pagkakataong patok ito at hindi, kumbaga, may mga peak season.

Tulad ng buhay, marami ring pagsubok sa negosyo na kailangan ninyong harapin para mapanatili ito at dahil dito, magiging matatag ang negosyo pati na rin ang mga taong nasa likod nito.

3. MAGKAROON NG MARAMING KA­ALAMAN. Sa negosyo, dapat alam mo ang lahat ng gagawin at ginagawa mo. Hindi lang basta nakaisip ka ng desisyon ay ‘yun na ang dapat gawin at masunod. Kumbaga, ‘wag basta-basta magdesis­yon, sa halip, ikonsidera kung ano ang mga maaaring mangyari sa negosyo sa bawat desisyon.

Dapat kang magkaroon ng karagdagang skills, competence, creativity at uniqueness sa mga ginagawa mo.

4. MAGING PASSIONATE. Kailangan ay passionate ka sa mga ginagawa mo dahil kung puro kita o pera ang dahilan kung bakit mo ito ginagawa, hindi malayong bumagsak ang negosyong mayroon ka. Sabi nga nila, anuman ang gagawin natin, gawin ito nang may puso para magkaroon ng magandang output. Applicable rin ito sa negosyo kaya mga besh, ‘wag puro pera, dapat passionate ka rin.

5. TAMANG PAG­PAPAIKOT NG PE­RA. Dapat ding matu­tu­nan ang tamang pag­papaikot ng pera tulad ng income, expenses at receivables o ‘yung mga pinautang mo na papasok sa iyo in the future at ang payable naman ay ‘yung mga utang na dapat mong bayaran. May mga pamamaraan din kung paano ninyo mapa­paikot nang tama ang mga ito. Isa rito ang cash float, ang perang nalikom sa tamang pagpapaikot ng puhunan at cash hoard naman ang tawag sa paghawak ng pera na hindi gagastusin, puwera na lang kung kailangan sa negosyo. Kumbaga, ito ang tubo.

6. MAG-FOCUS SA GOAL. Palagi mong isipin kung ano ang goal ng inyong negosyo, kung ano ang mission at vision dahil kung mayroong problema, ito ang magiging inspirasyon n’yo. Sa pagharap ng mga problema, dapat ay palagi kang handa na solusyunan ito, malaki man o maliit.

Mga ka-Bulgar, alam na n’yo ang ilang paraan upang maging matatag ang inyong negosyo, gayundin, upang hindi masayang ang lahat ng pagod ninyo. Tandaan, nagnenegosyo tayo para kumita at hindi malugi. Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page