Obra maestra kampeon sa Philracom 3 Yo local
- Ding Taboy
- Dec 9, 2019
- 1 min read

Itinanghal na kampeon ang Obra Maestra sa katatapos na 2019 Philracom 3 Year Old Local Championship Race na ginanap sa Santa Ana Park, Naic, Cavite kahapon.
Naging pukpukan ang laban nang pangunahan ng Obra Maestra ang 2019 Philracom 3 Year Old Local Championship Race habang dumating na pangalawa ang Real Gold at Weather Lang na pangatlo.
Tinanggap ang unang premyo na P900,000.00 ng Obra Maestra, pumangalawa ang Real Gold. Tumanggap ng P337,500.00, nakamit ng Weather Lang ang 3rd place na P187,500.00 at nag-uwi ng P75,000.00 bilang 4th place ang Patong Patong.
Naorasan ang Obra Maestra sa bilis na 1:49.6 nang tawirin ang finish line na may apat na kabayo ang layo sa pumangalawang Real Gold. Sa bentahan naliyamado ang Obra Maestra kontra sa 1st Leg at 3rd Leg Champion na ang Real Gold. Sa pagbukas ng starting gate agad pinangunahan ng Obra Maestra at Patong Patong habang pangatlong umalis ang Real Gold.
Naging pukpukan ang laban ng dalawang kampeon pagdating sa huling likuan ng karera na pinilit kunin at agawin ang unahan subalit nabigo ang Real Gold.
Samantala idaraos ang 2019 Philracom Grand Sprint Championship sa Dis. 15, 2019 sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI), Malvar, Batangas. Lalahukan ng Golden Buzzer, Lakan, Pinagtipunan, Smokin Saturday, Son Also Rises at War Commander.
Tatanggap ng P600,000.00 ang mananalo bilang kampeon, tatanggap naman ng P225,000.00 ang 2nd place P125,000.00 para sa 3rd place at P50,000.00 sa 4th places.





Comments