top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Amihan, patuloy na nakaapekto sa Luzon

V. Reyes
Dec 9, 2019
1 min read

Photo: WeatherPhilippines

Patuloy na nakaaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa malaking bahagi ng Luzon.

Sa weather update ng PAGASA, bandang alas-5:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio na makararanas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan sa Ilocos Province, Cordillera, Cagayan Valley.

Samantala, umiiral naman ang tail end of a cold front sa Bicol Region.

Dahil dito, iiral aniya ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region, Eastern Visayas at lalawigan ng Quezon.

Pinayuhan ang mga residente sa nasabing lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Samantala, magiging maganda at maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page