4 sayyaf at sundalo, utas sa engkuwentro

Napatay sa engkuwentro ang apat na hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group, gayundin ang isang sundalo sa Patikul, Sulu, kamakalawa ng hapon.
Nabatid mula kay Maj. Gen. Corleto Vinluan, na una nang may nagtimbre sa militar tungkol sa presensiya ng mga armadong lalaki sa Bgy. Kabbon Takas ng nasabing bayan.
Kasunod nito ang may 30-minutong bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at ASG kung saan bumulagta ang apat na bandido at isang sundalo.
Iniulat na isang sundalo rin ang nasugatan sa labanan.
Narekober sa lugar ng sagupaan ang M-15 rifle at mga personal na gamit ng mga bandido.
Ani Vinluan, kanila nang inaalam kung bayaw ni ASG Leader Radulan Sahiron ang isa sa mga napatay na suspek.





Comments