3 tiklo sa droga
- Maeng Santos
- Dec 9, 2019
- 1 min read

Aabot sa P180,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam sa tatlong hinihinalang drug personalities na nadamba ng pulisya sa buy-bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Jonard Abogador, Joshua Fernandez at Rowland Dante Manila.
Alas-8:30 kamakalawa ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Northern Police District (NPD) Drug Enforcement Unit (DEU) sa Bernabe St., Siongcin Bihon, Bgy. Dalandanan, Valenzuela City na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Narekober sa mga suspek ang nasa isa’t kalahating kilo ng marijuana na may street value na P180,000, P1,000 tunay na pera, kasama ang 29 piraso na pekeng P1,000 na ginamit bilang buy-bust money, drug paraphernalias, motorsiklo, dalawang cellphones at backpack.





Comments