2 ginto sa surfing gold din sa Blu Girls

Dalawang gintong medalya naman ang nilangoy ng National Surfing team kabilang ang dalawa pang silver medal sa 30th SEAG sa Monalisa Point-Little Surf Mermaid, Kahuna sa San Juan, La Union.
Naging makasaysayan naman para sa Surfer-Turn-Hero na si Roger Casugay na maging memorable ang weekend dahil sa pagkuha nito ng come-from-behind gold medal victory sa men’s Longboarding category. Nagawa nitong makuha ang kabuuang 14.50 iskor para sa gold upang talunin nito ang kapwa kabaayang si Rogelio Esquivel Jr sa 14.20 points para sa silver.
Bahagyang nagkaroon ng problema si Casugay sa kasagsagan ng laban nang maputol ang board nito, ngunit nagawang humabol ni Casugay sa nawalang oras nito para talunin ang kababayan.
Nakuha naman ni Nilbie Blancada ang ikalawang gold medal ng National Surfers ng pangunahan nito ang women’s short board Open sa pamamagitan ng 7.65 points laban kay Annissa Tita Flynn ng Thailand na may 6.35 points lamang.
Samantala, inukit ng koponan ng RP Blu Girls ang kanilang ika-10 kampeonato ng makuha nito ang gintong medalya matapos talunin ang Indonesia via 8-0, sa women’s softball sa The Villages sa Clark, Pampanga.
Kinana lahat ng RP Blu Girls ang walong sunod na puntos nito sa second inning at dumepensa na lang ng todo upang makuha ang top-podium finish sa torneo.





Comments