top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Wala raw dapat ikatakot sa AlDub… Julie Anne, Game na Game kay Alden

  • Erlinda Rapadas
  • Dec 8, 2019
  • 1 min read

For 2020, career pa rin ang prayoridad ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose. Wala siyang planong pumasok muli sa relasyon after her breakup with Benjamin Alves kahit pa may mga guys na nagpaparamdam at gustong manligaw sa kanya.

Magiging busy siya sa pagpasok ng taong 2020. May mga shows nang naka-line-up para sa kanya. Isa na rito ang Funny Sunday na kapalit ng Sunday PinaSaya. Balitang magkakasama sila sa show ni Alden Richards.

Okey kay Julie Anne ang makatrabahong muli ang Pambansang Bae. Wala naman siyang dapat ikatakot sa mga AlDub fans. Magkaibigan lang sila ng Multimedia Superstar. Wala siyang dapat ipaliwanag kaninuman dahil trabaho lang ang lahat.

At this point of her life, hindi kasama sa mga plano ni Julie Anne ang magka-boyfriend. Naka-move on na rin siya sa breakup nila ni Benjamin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page