Padir, 'di raw pipigilan para may mag-alaga, pero… Meryll, may kondisyon sa mapapangasawa ni Wil
- Ronalyn Seminiano
- Dec 8, 2019
- 2 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Tila atat na atat na si Willie Revillame na magkaroon ng love life dahil bukod sa bagong segment ng Wowowin na Wil You Date Me?, sinabi ng anak niyang si Meryll Soriano na nagpapahanap daw ito sa kanya ng ka-date.
Kuwento ni Meryll sa presscon ng Culion, MMFF movie niya, “Sabi niya sa ‘kin, ‘Ihanap mo naman ako ng date.’ Sabi ko, ‘Naku, wala akong kilala.’ Sabi ko, ‘Ikaw kaya, ihanap mo ‘ko ng date.’”
Nagalit daw si Kuya Wil at sinabihan siyang, “Bakit? Ha? Hindi ka magbo-boyfriend!”
Pero, tila katuwaan at biruan lang daw nila ang mga ganoong bagay.
Nabanggit din ni Meryll na noon ay hinihingi ni Kuya Wil ang opinyon niya kapag may napupusuan itong babae.
Aniya, “Pero ngayon, sabi ko sa kanya, ‘You know, I’ll be happy for whatever you do.’ And wala naman akong sey sa magiging girlfriend niya kasi I will always be there to support him.”
Dahil tila nahihirapang maghanap ng love of his life si Willie, sabi ni Meryll, isang factor din ang pagiging “really big person in this country” ng kanyang ama.
Aniya, “Hindi naman sumpa pero puwedeng it’s a factor na bakit mahirap, kasi you know, he is rich, he is famous, so mahirap makahanap ng taong sincere, ‘di ba?”
Dahil daw sa pagiging single, naging mahilig humugot ang kanyang ama katulad ng mga katagang “Malamig ang Pasko.”
Samantala, okey lang sa kanya na makipag-date si Willie pero about pag-aasawa, aniya, “‘Yung mag-asawa, kailangan ko talagang makita na ‘yun nga, talagang… yeah, the one. At saka ‘yung aalagaan siya at aalagaan niya rin na dapat equal, hindi lang one side.”
Drama raw kasi ng kanyang ama ang linyahang “Walang nag-aalaga sa ‘kin,” kaya tumatak kay Meryll na dapat itong alagaan ng ‘the one’ na mapipili nito.
Ang requirement lang niya sa babaeng mapapangasawa ng kanyang ama, “Basta ‘wag lang niya akong tatawaging ‘ate’. Baka kasi tawagin ko siyang ‘Mama.’”
Hindi naman nag-aalala si Meryll na baka mabiktima si Kuya Wil ng mga babaeng manggagamit dahil matalino raw ang kanyang ama at never din siyang nakialam sa desisyon nito.
Aniya, “Never, kahit nu’ng bata pa ‘ko? Never talaga kasi wala akong sey du’n. hindi ko naman maibibigay ‘yung kasayahan na ‘yun, eh. Sa kanya ‘yun, eh, ‘di ba? we have to respect him. I always believe na he has the right to do what he wants lalo na pagdating sa mga ganyan.”
Bilib na bilib din si Meryll sa financial success ng kanyang ama dahil kung noon daw ay wala itong pambili ng maliliit na bagay katulad ng toothbrush, ngayon ay bongga na ang mga nabibili nito katulad ng eroplano.
Kuwento pa ni Meryll, shocked talaga siya nang makabili ng eroplano, chopper at mga kotse ang kanyang ama. Bukod sa bahay, niregaluhan din si Meryll ni Kuya Wil ng Mercedes Benz at Toyota FJ.





Comments