Mga pipi‘t bingi, mas maririnig at mauunawaan na sa pagsasabatas ng Filipino Sign Language Act
- Nancy Binay
- Dec 8, 2019
- 2 min read
Nancy Binay / Be Nice Tayo
Noong December 3, nag-celebrate tayo ng International Day of Persons with Disabilities (PWDs). Naglalayon nang i-promote ang karapatan at well-being ng mga kababayan nating PWD, lalo na sa kanilang political, social, economic at cultural life.
Kaya natuwa tayo nang maging batas ang Filipino Sign Language (FSL) Act noong nakaraang Kongreso na akda ng inyong lingkod.
Nais ng batas na ito na magkaroon ng mas malaking bahagi ang mga deaf at hard of hearing sa pagpapaunlad ng ating bansa.
Nilalayon nitong magkaroon ng official medium of instruction at communication ang mga Pinoy na deaf at hard of hearing.
Gayundin, ang paggamit ng FSL bilang opisyal na sign language sa mga transaksiyon sa pamahalaan at ang pagkakaroon ng sign language interpretation sa broadcast media.
Sa pamamagitan ng batas na ito, magkakaroon ng pambansang sistema ng standards, accreditation at procedures sa interpreting gamit ang FSL, pati na rin ang polisiya sa internship ng interpreting bilang propesyon.
Inaasahang lalong mapagtitibay ang karapatan ng mga deaf at hard of hearing, lalo na ang tungkol sa expression at opinion sa implementasyon ng batas na ito.
◘◘◘
Ilang araw na lang at matatapos na ang 30th Southeast Asian Games. Patuloy sana nating ipakita ang ating home court advantage — sa pamamagitan ng patuloy na panonood at pag-cheer sa ating mga atleta hanggang sa matapos ang palaro ngayong Miyerkules, Disyembre 11, 2019.
Nahigitan na natin ang ating medal tally noong nakaraang 29th SEA Games, dahil mahigit 170 medals na ang nakuha ng ating mga atleta.
Nakatataba ng puso ang ipinakitang pakikipagkapwa-tao at sportsmanship nating mga Pinoy, lalo na sa mga nananalangin na manalo ng medalya ang Timor Leste.
Maraming salamat sa ating mga atleta! Patuloy ninyong ipakita ang galing at kakayahan ng lahing Pilipino!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments