Laos na raw, dedma na rin sa mga fans… Julia, lantaran na kay Gerald pag-usapan lang ng madlang pip
- Beth Gelena
- Dec 8, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @juliabarretto
Nag-post si Gerald Anderson ng selfie sa kanyang social media account kung saan nakasuot ang aktor ng jersey na “Khaleb 3” ang nakalagay sa harapan.
Caption ni Gerald: “Fought loss but you have to fight to the end.”
Nangunguna sa pag-like si Julia Barretto sa nasabing larawan na kaagad umani ng komento ng mga netizens.
Anila, unti-unti na talagang ipinararamdam ng dalawa sa publiko ang kanilang relasyon. I-push daw ni Julia ang kanyang ginagawa na kahit hindi mag-comment ay naipaparamdam ang pagmamahal kay Gerald.
Wala na raw kasing pumapansin sa dalawang artists at matumal na rin ang projects nila
kaya gumagawa si Julia ng paraan para mapag-usapan.
May nagtanggol naman sa anak ni Marjorie Barretto. Anila ay ‘wag pagsabihang shameless si Julia dahil nakikitsismis lang naman ang mga netizens.
Kinuwestiyon din nila kung bakit hindi matanggap ng iba na hindi meant to be sina Bea Alonzo at Gerald. Advice pa nila sa mga bashers ay mag-grow up na.
Sabi pa ng isang netizen, “Marriage does not even guarantee a happy ever after. Move on.”
Sagot naman ng isa pang netizen, walang problema kung nagsabi agad nang totoo si Julia dahil bagay naman sila ni Gerald. Kaya lang, puro denial ang ginawa ng young actress kaya nasabihan ng shameless.
“Bagay naman din sila so let them be... acceptance na lang talaga at move on ang dapat gawin ng iba,” sey ng netizen.





Comments