top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Gold at silver sa PHL billiards; Pilak sa bowling team-of-four

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Dec 8, 2019
  • 2 min read

Photo: gmanetwork (left) / abs-cbn news (right)

Hindi pa tapos ang bakbakan sa women’s 9-ball at 10-ball singles pero naselyuhan na ng Pilipinas ang dalawang ginto at dalawang pilak na medalya matapos na maisaayos nina Chezka “The Flash” Centeno at Rubilen “Bingkay” Amit ang dalawang all-Pinay championship showdowns ng 30th Southeast Asian Games sa loob ng Manila Hotel Tent sa Maynila.

Biyernes ng gabi nang malusutan ng dalawa ang 10-ball semis habang makapananghali naman ng Sabado nang mangibabaw sa 9-ball final four. Nagbabanta rin nilang makuha ang korona sa 9-ball doubles.

Sa kalalakihan, mayroon nang silver sa snookers doubles event ang bansa dahil sa paghablot ng pangalawang puwesto nina Jefrey Roda at Alvin Barbero habang isang tanso ang nakasabit sa leeg ng alamat na si Efren “Bata” Reyes sa pagsasara ng sagupaan sa 1-cushion carom.

Isa ring bronze ang nakuha nina Warren “The Warrior” Kiamco at Jefrey Ignacio sa men’s doubles. Nakatakda na ring makausad sa finals ng 10-ball singles si Dennis “Robocop” Orcullo.

Samantala, sa Mandaluyong, nag-ilaw na ang medalboard ng Pilipinas pagdating sa Tenpin bowling matapos na makuha ng mga kalalakihan ang silver medal sa team of 4 at nang maisalba ng mga Pinay pintopplers ang tansong medalya sa team of 4 din sa kababaihan.

Sina Kenneth Chua, Patrick Nuiqi, Frederick Ong at Merwin Tan ay nakapagpatumba ng 4,937 na bolilyo para pumangalawa sa likod ng 4,980 pinfalls ng Malaysia.

Thailand ang tumersera (4,896 pinfalls). Nagtulong-tulong naman sina Alexis Sy, Liza Del Rosario, Lara Posadas Wong Bea Hernandez para sa karatadang 4,735 na napatumbang bolilyo na naging sapat upang makuha ang huling upuan sa podium sa likod ng Singapore (4,833 pinfalls) at Malaysia (4,803 pinfalls).

Kasalukuyan pang humahataw sa Men’s Masters sina Tan at Nuqui habang sina Wong, Hernandez at Sy ay humihirit pa sa Women’s Masters.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page