Alcantara at Patrombon gold, silver sa Tennis Men’s Doubles

Kahit sigurado na ang ginto at pilak, hindi nagbigayan at inalayan ang mga manonood ng isang mahigpitang laban ang mga pambato ng Pilipinas sa Tennis Men’s Doubles Finals ng 30th Southeast Asian Games sa Rizal Memorial Sports Complex Sabado ng tanghali. Sa huli, wagi sina Francis Casey Alcantara at Jeson Patrombon sa mas beteranong tambalan nina Treat Huey at Ruben Gonzales, 7-6 at 7-5.
Ang tanso ay napunta sa dalawang pares ng Vietnam na tinalo ng mga Pinoy sa semifinals, sina Daniel Cao Nguyen, Nguyen Van Phuong, Le Quoc Khanh at Ly Hoang Nam. Maliban sa dalawang medalya sa Men’s Doubles, may dalawang tanso ang Pilipinas sa Men’s Singles salamat kay Patrombon at AJ Lim.
Samantala, sa Soft Tennis, nagpamalas ng tatag at tibay si Noelle Mañalac para makamit ang ginto sa Women’s Singles ng Soft Tennis sa 30th Southeast Asian Games sa Rizal Memorial Sports Complex.





Comments