Aktor, haping-hapi na raw ngayon… Jomari, nagsalita na sa mga sugar mommies na ipinalit daw sa mad
- Nitz Miralles
- Dec 8, 2019
- 2 min read
Nitz Miralles / Bida

Sinagot at nilinaw ni Parañaque City Councilor Jomari Yllana ang mga akusasyon sa kanya ng ex-GF at former live-in partner na si Joy Reyes na ina ng dalawa niyang anak.
Hindi kaagad nasagot ni Jom ang issue dahil nasa Hawaii siya para sa check-up ng left eye niya na nabubulag dahil sa stress. Wala ring roaming ang phone ni Jomari kaya hindi niya nabasa ang post ni Joy sa social media.
Ngayong nakabalik na ng bansa, nagpa-interview siya, hindi para siraan si Joy, kundi para sabihin ang panig niya.
Itinanggi ni Jom na inabandona, hindi sinusustentuhan, ginigipit sa pera, pinababayaan at iniwan niya si Joy dahil di-umano sa dalawang sugar mommies ng aktor.
“To put it in record, since November 2018 pa kami naghiwalay at ayoko nang idetalye. Sabihin na lang nating irreconcilable differences. We settled everything sa lower court, sa barangay ng Parañaque. Legal document ‘yan, inayos ko kung saan sila titira at sa dati naming bahay sa Quezon City sila nakatira ngayon ng mga bata.
“I deny na inabandona ko ang mga bata. I love my children. Lahat ng needs ng mga bata and the mom, sagot ko. Malinaw ‘yan, from grocery, clothing, medical needs, utilities, two yayas, two maids, driver at service car, provided sila. Every 15th and 30th of the month ay nagbibigay ako for their needs. May pinirmahan kami. Napagkasunduan din namin na walang magsasalita ng hindi maganda sa social media, but she decided to rant, sana sumunod siya sa usapan na ‘wag idamay ang public,” pauna ni Jomari.
Sabi ni Jomari, kung may chance na makausap niya si Joy, isa-suggest niya na i-settle nila privately ang isyu dahil may mga taong nadadamay na walang kinalaman.
Tungkol naman sa nabanggit ni Joy na sugar mommy ng aktor, sabi ni Jomari, “Idini-deny ko na may sugar mommy ako at ang babae ang nagsusustento sa akin. Masakit pakinggan at masakit para sa pamilya ko. Ang hindi ko idi-deny, I’m dating now at hindi siya ang rason ng paghihiwalay namin ni Joy dahil last year pa nga kami hiwalay. Masaya ako, masaya kami kahit nag-uusap lang.”
Ang maganda lang, kahit magulo sila ni Joy, nasusunod ang pinag-usapan nila na makita at makasama ni Jom ang dalawang anak every Friday and Saturday. Pero, sila ni Joy, hindi na puwedeng mag-usap at kailangan ng mediator.





Comments