top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

13th month pension, makukuha na ng mga pensiyunadong miyembro

  • Buti Na Lang May SSS
  • Dec 8, 2019
  • 2 min read

Buti na lang may SSS

Dear SSS, Magandang araw! Nais kong malaman kung kailan namin maaaring makuha ang aming 13th month pension? Kasama ba rito ang P1,000 na additional benefit? Salamat! — Conchita

Sagot Mabuting balita, Gng. Conchita! Nailabas na ng SSS sa ating mga partner banks ang pondo para sa 13th month pension ng lahat ng SSS retiree, total disability at death benefit pensioners, gayundin ang kanilang mga dependents.

Ito ay maaari ninyong matanggap ngayong Disyembre. Ang 13th month pension ay katumbas ng inyong isang buwang basic monthly pension kasama ang P1,000 additional benefit. Ito ay karagdagang benepisyo na ibinibigay ng SSS noon pang 1988 bilang pagtupad sa batas ng pagbibigay ng 13th month sa mga manggagawa sa pribadong sektor. Samantala, ang mga pensiyunado na tumatanggap naman ng partial disability ay kabilang din kung ang kanilang pensiyon ay umabot ng hanggang 12 buwan o isang (1) taon.

Ngayong 2019, may kabuuang P12.71 bilyon ang inilaan ng SSS para sa 13th month bonus ng halos 2.82 milyong SSS pensioners. Samantala, mahigit 14,000 pa na mga pensiyunado ang tumatanggap sa pamamagitan ng tseke na ipinadala sa mga tirahan ng mga pensioners noong Nobyembre 26, 2019 sa pamamagitan ng Philippine Postal Corporation.

Karaniwan naman sa date of contingency o kapanganakan ng retiree, total disability o namayapang miyembro ng SSS ang pagtanggap ng kanilang pensiyon ngayong Disyembre.

Sa mga nag-avail ng advance 18 months pension, ang kanilang 13th month ay magsisimulang i-credit ngayong Disyembre 10, 2019 sa kani-kanilang bank accounts.

Talagang napakasaya ng Pasko ng ating mga pensiyunado, lalo na si Gng. Conchita! Mula sa SSS, ang mainit na pagbati namin ng advance Merry Christmas!

◘◘◘

Bukas pa rin ang SSS Pension Loan Program para sa ating mga retiree-pensioners na maaari nilang gamitin para sa mga panandaliang pangangailangang pampinansiyal. Magsadya lamang sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS sa inyong lugar para sa inyong mga aplikasyon. Simula Oktubre, makakahiram na kayo ng hanggang P200,000 bilang maximum loanable amount na maaari namang bayaran hanggang 24 months o dalawang taon.

Kung mayroon man kayong mga katanungan tungkol sa SSS o mayroon kayong topic na nais matalakay sa kolum na ito, maaari ninyo kaming i-email sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page