SBP at PBA, nagkasundo para sa Gilas special draft
- VA
- Dec 7, 2019
- 1 min read

Nagkasundo ang liderato ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Philippine Basketball Association (PBA) na magdaos ng Gilas Pilipinas Special Draft para sa 2023 Basketball World Cup.
Limang aplikante na mga dating collegiate standouts sa PBA Draft ngayong taon ang napili upang mapasama sa isasagawang special draft na kinabibilangan nina Isaac Go, Allyn Bulanadi, Mike Nieto, Matt Nieto at Rey Suerte.
Ang nasabing limang manlalaro ay mapapasama sa national pool at pipiliin sa special drafting order ng mga koponang Columbian Dyip, Blackwater, NLEX, Alaska at Rain or Shine ayon sa pagkakasunod. Ang mga naturang manlalaro ay maaaring i-pull-out ng SBP mula sa mga koponan na kukuha sa kanila kung kinakailangan.
Mauunang isasagawa ang special draft bago ang regular draft na may sumusunod na draft order- (1) Columbian, (2) Blackwater, (3) NLEX, (4) Alaska, (5) Rain or Shine, (6) Rain or Shine, (7) Rain or Shine, (8) NorthPort, (9) Magnolia, (10) Ginebra, (11) TNT at (12) Columbian Dyip sa darating na Linggo sa Robinson’s Place sa Ermita.
Ang special draft ay gagawin hanggang sa susunod na dalawang taon bilang bahagi ng preparasyon sa 2023 FIBA World Cup.





Comments