Sambo nagtapos na may 2 gold, 1 silver at bronze
- G. Arce
- Dec 7, 2019
- 1 min read

Photo: Team Philippines SEAG 2019
San Fernando, Pampanga- Nagtapos ang laro ng Sambo team sa pamamagitan ng 2 gold, 1 silver at 3 bronze medals mula sa matagumpay na panalo nina Mark “Mugen” Striegl sa men’s 74-kilograms division ng 30th SEAG nang talunin nito si Ashvin Jaswant Singh ng Singapore via 8-0, habang ibinalibag ni Chino Sy ang ginto nang talunin si Gary Chow ng Singapore, 4-1 sa men’s under-82kgs sambo sport. Nanguna ang kasalukuyang Universal Reality Combat Challenge (URCC) featherweight champion Striegl sa kanyang division na may 18-2 record, habang ang dating UAAP Judo MVP ay naidagdag ang gold medal sa nakuha nitong titulo sa Southeast Asian Sambo Championship sa Bandung, Indonesia.
Wagi rin ng bronze medal sina MMA-fighters Patrick Manicad sa men’s combat sport under-82kgs at men’s combat sport under-90kgs contender at URCC campaigner Patrick Dos Santos. “This will be a good start for our team. We’re hoping that we can be able to get more athletes in the years to come. Tingin ko magiging malaki ang sport ng Sambo sa bansa natin,” wika ni Pilipinas Sambo Federation Inc. secretary-general Paolo Tancontian Tancontian. Samantala, kinapos sa kanyang pagbabalik sa SEAG si world-renowned mixed martial arts fighter at Wushu world champion Rene Catalan matapos itong matalo sa Indonesian opponent dahil sa natamong injury sa Angeles University Foundation sa Angeles, Pampanga. Ayon kay Tancontian, nasaktan ang 40-anyos na fighter na si Catalan laban sa Thailand opponent nitong si Chatchai Ritthidecha matapos mag-twist ang ankle nito, dahilan kung kaya’t natalo ito kay Fajar ng Indonesia sa 3-11 sa men’s combat sambo under-57kgs finals





Comments