top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pulis binentahan ng shabu, 2 tulak utas

Jeff Tumbado
Dec 7, 2019
1 min read

Dedbol ang dalawang lalaki na kapwa nasa drug watchlist makaraan silang makipagbarilan sa pulisya sa kalagitnaan ng buy-bust operation sa San Jose del Monte City, Bulacan, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga napaslang na sina Jayvee Ancho, ang target ng operasyon at kasamahan nitong si alyas Jun.

Ayon kay Police Lt. Col. Orlando Castil, Jr., nangyari ang engkuwentro sa Bgy. Gaya-Gaya, pasado alas-10:00 ng gabi ng Huwebes.

Nagawa umano ng poseur-buyer na makabili ng P500 na shabu sa dalawa pero, nakatunog ang mga ito na pulis ang kanilang katransaksiyon kaya bumunot sila ng baril at pinaputukan ito.

Agad namang nakaganti ang mga pulis kung saan napuruhan ang mga suspek na kapwa wala ng buhay na bumulagta.

Ang pagkakapatay sa dalawang drug personalities sa naturang buy-bust operation, partikular sa lalawigan ng Bulacan ay umarangkadang muli makaraang tanggalin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice-President Leni Robredo bilang Anti-Drug Czar at co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page