top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Kickboxers, ibubuga ang lakas sa 30th SEA Games

MC
Dec 7, 2019
2 min read

Matinding hamon para sa Pinoy kickboxers ang makapagpamalas ng galing at husay sa unang pagkakataon sa 30th Southeast Asian Games. At higit ang pressure ang pagsabak sa harap ng nagbubunying kababayan.

“Hindi mawawala ‘yung pressure, this is the first time that kickboxing will be played in the SEA Games. Debut ng ating mga atleta at sa harap ng ating mga kababayan, sabi ko nga buti pa nauna na kaming lumaban at least nakaraos na kami,” pahayag ni Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) president Francis ‘Tol’ Tolentino. “Our athletes were trained hard for this. Mahirap mag-predict kung ilang gold tayo, pero malaking bagay kung nakalaro si Rene Catalan, sure gold sa atin yun,” sambit ni Tolentino sa panayam bago ang inihandang welcome dinner para sa mga atleta at opisyal na kalahok sa pinakabagong sports sa SEA Games.

Tinukoy ni Tolentino ang pagkatanggal ni Catalan sa line-up bunsod ng teknikalidad sa rules ng sports. “May period kasi na puwedeng sumali ‘yung mga atleta sa pro tournament, eh si Catalan mukhang nakalaro pa eh tapos na ang deadline kaya hindi na puwedeng isama,” aniya.

Nakaatang ngayon ang laban ng koponan sa ladies class na pinangungunahan ni Gina Iniong – tulad ni Catalan – beterano sa pro league at mainstay sa ONE FC. “Dito kay Gina (Iniong) malaki rin ang tsansa natin,” pahayag ni Tolentino. Walong gintong medalya ang nakataya sa kickbong: men’s -51kgs at -57kgs full contact, -54kgs, -60kgs at -63.5kgs low kick at -67kgs kick light, women’s -48kgs full contact at -52kgs kick light.

“Malakas nating kalaban ang Vietnam at Thailand, lalo’t mga Thai ang nagsimula nitong martial arts discipline. But we prepared long enough kaya masosopresa kayo sa laban ng ating mga atleta,” pahayag ni Tolentino, isang martial arts practitioner sa Yaw-Yan.

Nakatakdang simulan ang aksiyon sa kickboxing ngayong Sabado ng 9 a.m. sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. Kabilang din sa line-up ng Team Philippines sina Ruel Catalan (57 kgs) –nakababatang kapatid ni Rene —, Karol Maguide (51 kgs), Jerry Olsim (69 kgs), Rex De Lara (60 kgs), full contact, low kick, at kick light bet Jomar Balaguid (54 kgs), Jean Claude Saclag (63 kgs), Renz Daquel (48 kgs) at Iniong (55 kgs).

Sinanay at inihanda sila nina two-time Olympian Donald Geisler at Mark Sangiao, coach ng pamosong Team Lakay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page