Cayetano, todo-yabang sa award sa SEA Games, sopla, pahiya!
- Pabs Hernandez III
- Dec 7, 2019
- 2 min read
IBINIDA NI CAYETANO NA BINIGYAN SIYA NG ‘BEST SEA GAMES ORGANIZER AWARD’, SABLAY—Sablay ang ibinida sa publiko ni Speaker Alan Peter Cayetano, chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na pinagkalooban daw siya ng Sports Industry Awards (SPIA) Asia ng ‘Best SEA Games Organizer Award’.
Ayon kay SPIA Asia CEO Eric Gottschalk, "Excellence Award" lang ang ibinigay nila kay Cayetano at hindi "Best SEA Games Organizer Award" kasi wala naman daw silang kategoryang "Best SEA Games Organizer Award" at ang ‘Excellence Award’ daw ay pangkaraniwan nilang ibinibigay sa mga bansang nagho-host ng SEA Games.
Dahil d’yan, batikos na naman ang inabot sa publiko ni Cayetano, boom!
◘◘◘
BUKOD SA TIG-P500 MILYON, MGA KATROPANG KONGRESISTA NI CAYETANO, MAY DAGDAG PANG TIG-50 MILYON — Usap-usapan sa Kongreso na ang tig-P500 milyong pang-projects ng mga kongresistang miyembro ng ‘supermajority’ ay pinadagdagan daw ni Cayetano ng tig-P50 milyon.
Nabuking daw ng mga matatalas na kongresista na ang 22 deputy speakers ay pinadagdagan daw ni Cayetano ng tig-P50 milyong ‘pork’' este' pang-projects at para hindi magtampo, inaprub na rin daw ng speaker na dagdagan ng tig-P50 milyon ang mga kasapi ng ‘supermajority’ sa Kongreso.
Kung totoo ito, parang pinagbibigyan lang ni Cayetano ng tig-iisang ‘kaldero’ ang mga kongresista kasi ang P50 milyong dagdag pang-projects sa mga mambabatas ay halos kapresyo ng ipinagawa niyang kaldero (cauldron) sa 30th SEA Games, buwisit!
◘◘◘
DILAWAN, ASAR-TALO SA PAGKAKAABSUWELTO NI GMA—Ibinasura ng Ombudsman ang kahuli-hulihang kasong plunder ni ex-Pres. at ex-Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Dahil d’yan, asar-talo na naman ang dilawan na nagsampa ng kaso, he-he-he!
◘◘◘
DRUG LORDS ANG ITUMBA, HUWAG PURO MGA TAGA-ISKUWATER—Ang iuutos daw ni P-Duterte sa mapipili niyang PNP chief ay pumatay ng mga drug lords.
Talaga lang, ha? Eh, baka ang mangyari, ang mabalitang napapatay sa panlalaban ay mga taga-iskuwater na adik at tulak ng shabu,Goom!





Comments