Skateboard, double gold; Modern pentathlon, silver
- A. Servinio
- Dec 6, 2019
- 1 min read

Ibinulsa ng Pilipinas ang dalawang gintong medalya sa Game of SKATE ng Skateboarding sa 30th Southeast Asian Game kahapon sa Tagaytay City. Parehong kampeon sina Margielyn Didal sa kababaihan at Daniel Ledermann sa kalalakihan sa laro kung saan dapat gayahin ang mga galaw at kilos ng kalaban.Kahit anong mangyari, sigurado na may ginto ang Pilipinas at nakatapat ni Didal sa finals ang kababayang si Christiana Means. Kinailangan talunin ni Ledermann si Basral Hutomo ng Indonesia.
Samantala, naka-pilak ang Pilipinas sa Individual Beach Laser sa pagsimula ng Modern Pentathlon sa 30th SEAG kahapon sa Subic Bay Boardwalk. Tinapos ni Samuel German ang pinagsamang karera ng takbuhan at barilan sa oras na 13:27.39 sa likod ni kampeon Muhammad Taufik ng Indonesia na may oras na 13:02.24.
Tanso si Marcus Ong ng Singapore (13:34.28) habang ika-pito ang isa pang Pinoy, si Michael Ver Anton Comaling (15:38.49).





Comments