top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Prado ng road race, naka-gold; Nicanor, ginto sa fencing sabre

  • A. Servinio / Gerard Arce / VA
  • Dec 6, 2019
  • 2 min read

Photo: gmanetwork (left) / foxsports (right)

Rumatsada si Jermyn Prado ng gintong medalya sa para pangunahan ang women’s Road Event Individual Time Trial, Huwebes sa Praying Hands Monument, TICC, Tagaytay City.

Naitala ni Prado ang pinakamabilis na oras na 44 na minuto at 44.742 segundo sa pagtahak sa 23.1 kilometrong ruta mula sa bayan ng Nasugbu, Batangas at nagtapos sa The Praying Hands Monument sa Tagaytay.

Tumapos namang pangalawa sa kanya si Luo Yiwei ng Singapore para sa silver medal matapos maorasan ng 44:48.518. Napunta naman sa rider na si Somrat Phetdarin mula Thailand ang bronze makaraang maorasan ng 44:58.152. Sinagad ni Prado ang pagpedal habang papalapit sa finish line na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang malay matapos niyang makatawid.

“Talagang tinodo ko na po eh. Sobrang hirap. Pero sulit naman lahat ng sakripisyo po namin. Sobrang saya po,” anang Philippine Navy-Standard Insurance Continental Team rider na si Prado. Ang nasabing gold medal ni Prado ang ikatlo ng mga siklistang Pinoy sa ginaganap na biennial games kasunod ng panalo nina Lea Denise Belgira at John Derick Farr sa mountain bike. Hindi naman umabot ng podium ang isa pang Pinay rider at dating SEAGames gold medalist na si Marella Salamat na nagtapos na pampito sa tiyempong 45:59.275.

Bigo namang makakuha ng medalya si Ronald Oranza ng tumapos lamang ito sa 4th place sa oras na 1:00.48.400 na pinalunan ni Aiman Cahyadi ng Indonesia sa oras na 58:37. 003 na nakakuha ng gold medal, habang napunta ang silver at bronze kina Thanakhan Chaiyasombat ng Thailand sa oras na 59:20. 535 at Goh Choon Huat ng Singapore sa oras na 1:00:14.593.

Samantala, naka-gold medal naman si Jylyn Nicanor sa women’s fencing individual sabre event kahapon. Sa Duathlon, winakasan ng Pilipinas ang kampanya sa Multi-Sport events sa 30th SEAG sa pamamagitan ng isang tanso buhat sa Mixed Duathlon Relay kahapon ng umaga sa Subic Bay Boardwalk Nag-ambag ng pinagsamang 4-31 apat na ginto, tatlong pilak at isang tanso ang mga koponan ng Duathlon at Triathlon na parehong nasa ilalim ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP).

Hindi naging sapat ang ipinakita ng koponan na pinangunahan ni Women’s Individual Duathlon champion Monica Torres, Pauwie Fornea, Emmanuel Commendador at Efraim Iñigo. Napunta ang ginto sa Thailand habang Singapore ang pilak. Pinangunahan ito ng Thailand team nina Pareeya Sonsem, Nattawut Srinate, Siriwan Kuncharin at Arthit Soda para sa gold medal samantalang naiuwi nina Emma Ada Middleditch, Ahmad Irif Ibrahim, Natasha Yu Herlene, Nicolas Rachmadi ng Singapore ang silver medal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page