top of page
Pokwang.jpg

Pagbubuhat ng mabigat, matinding pabango, ipis, ilan lang sa mga dahilan ng hika

Shane M. Ludovice, M.D
Dec 6, 2019
2 min read

Dear Doc. Shane, May asthma ako at namana ito ng aking anak. Kapag nagkakaroon siya ng ubo at sipon ay napapansin kong hirap siya sa paghinga at parang may sumisipol o humuhuning ibon sa kanyang dibdib kaya binilhan ko siya ng inhaler. Ito ang ginagamit niya para lumuwag ang kanyang paghinga. Pinaiinom ko rin siya ng cough syrup pero hindi ko pa siya naipakokonsulta sa doktor para matukoy kung hika ito. Maaari ba ninyong talakayin ang tungkol sa mga sintomas ng hika? — Andrea

Sagot Ang asthma o hika ay kondisyon na nakaaapekto sa daanan ng hangin sa respiratory system ng tao. Isang uri nito ay ang bronchial asthma na nagdudulot ng kakapusan sa hininga.

Narito ang ilan sa mga sintomas ng bronchial asthma:

  • Kakapusan sa hininga

  • Paninikip ng dibdib

  • Madalas na pag-ubo

Bukod sa mga sintomas na nakasaad sa itaas, naiuugnay din ang asthma sa ibang kondisyon tulad ng rhinosinusitis.

Narito ang mga sanhi ng asthma na nagpapalala ng pamamaga o nagdudulot ng asthma attacks:

  • Surot (dust mites)

  • Mga mabalahibong hayop

  • Pollens

  • Viral/bacterial infections

  • Ipis

  • Amag (mold)

  • Matinding polusyon/usok

  • Kemikal at mga bagay na may matinding amoy (tulad ng pabango, ammonia etc.)

  • Mga sangkap na idinaragdag sa pagkain

  • Malamig na hangin

  • Mga gawaing-pisikal (ehersisyo, pagbuhat ng mabigat etc.)

  • Matitinding emosyon

Ang pagiging asthmatic ay maaaring dulot ng kombinasyon ng mga sanhing nakalista sa itaas.

Narito ang iba pang sanhi na naiuugnay sa pagiging asthmatic ng tao:

  • Genetic o namamana

  • Medical conditions (eczema, urticarial, hay fever etc.)

  • Mga gamot (aspirin, ibuprofen etc.)

Walang iisang pagsusuri ang nakapagbibigay ng tiyak na kasagutan kung ang tao ay mayroong asthma, maliban na lang sa pagsasagawa ng spirometry o ang pagsukat sa kakayahan ng baga sa paghinga. Bukod sa pagsusuri sa asthma, ginagamit din ang spirometry para sa ibang kondisyon na nakaaapekto sa paghinga tulad ng chronic obstructive pulmonary disease.

Para naman sa mga batang may asthma na hindi pa maaaring sumailalim sa spirometry, kadalasang binabantayan ng doktor ang iba’t ibang palatandaan ng asthma tulad ng kakapusan ng hininga, pag-ubo at pag-aagahas.

Tandaan, ang asthma ay nakamamatay na kondisyon, lalo na kapag ang malubhang asthma attack ay hindi naagapan. Ang pinakamahalagang gamot sa asthma ay steroids at anti-inflammatory drug. Bagama’t, hindi tuluyang nagagamot ang asthma, maaaring mapigilan ang mga sintomas at paglala nito.

Pero, tandaan, hindi nito pinipigilan ang asthma attack. Pinapayuhan ang mga pasyente na gumamit ng inhalers bilang pangunahing rescue medication. Ang paggamit ng inhaled steroids ay ibinibigay para maalis ang pamamaga sa tubo ng baga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page