No more hilo at sakit ng ulo, lodi... Inuming epektibong pangontra sa hangover, naimbento na!

Hassle talaga kapag nakaranas ng hangover pagkatapos ng buong gabing walwalan. Agree? ‘Yung tipong wala kang gagawin buong araw kundi humiga dahil sa hilo at sakit ng ulo.
Arayyy! Dahil dito, noon pa man ay naghahanap na tayo ng iba’t ibang paraan para maiwasan o mabawasan ang hangover. Pero alam n’yo ba na may kumpanya nang nakaimbento ng paraan para maiwasan ito?
Ang kumpanyang Silicone Valley ay nakagawa ng kauna-unahang probiotic drink na genetically modified at ito ay tinawag na Zbiotics.
Gayunman, hindi ito basta ibinebenta para maging gamot sa hangover dahil kabilang din sa kaya nitong gawin ay ang labanan ang iba pang negatibong side-effects ng hangover.
Ayon sa kumpanya, ang pag-inom ng maliit na variant ng Zbiotics bago uminom ng alak ay may specific purpose dahil kaya nitong i-breakdown ang acetaldehyde o by-product ng metabolizing ethanol.
Ito ay toxic compound na may kinalaman sa mga sintomas ng hangover tulad ng pananakit ng ulo, pagkahilo at palpitations.
Bagama’t, kusang nawawala ang acetaldehyde, lalo itong dumarami kapag patuloy na umiinom ng alak ang indibidwal, gayundin, lumalala ang nararamdaman.
Ang Zbiotics ay naglalaman ng good bacteria na sumisira sa acetaldehyde at nakatutulong para bumuti ang pakiramdam pagkatapos uminom ng alak.
Samantala, ayon sa founder ng Zbiotics at microbiologist na si Zack Abbott, ginawa nila ito para masolusyunan ang problema na noon ay hindi nalulunasan.
Dagdag pa nito, pinili nila ang Bacillus subtilis, ang bakterya na ginagamit sa fermentation process ng soybeans sa Japan at binago para maglabas ng enzyme na makakasira sa acetaldehyde.
Ang enzyme na ito ay kapareho ng inilalabas ng ating atay para sa kaparehong purpose, pero ang Zbiotics lang umano ang may kakayahang idiretso ito sa bituka kung saan mistula itong magic na nakapipigil sa hindi kaaya-ayang epekto ng pag-inom ng alak.
Ang bawat bote ng Zbiotics ay may 15ml at dapat inumin bago uminom ng alak dahil ito ay idinisenyo para umepekto habang umiinom ng alak at natutulog ang indibidwal.
Ayon sa kumpanya, ang Zbiotics ay ginawa para maibsan ang mga negatibong epekto ng pag-inom ng alak, gayundin, inirerekomenda na sabayan ng ilang strategies ang pag-inom nito para mas maging epektibo tulad ng pagkakaroon ng sapat na tulog at pagiging hydrated.
Naku, mga besh, siguradong ito ang kailangan ng lahat ngayong Holiday Season para no more hangovers pagkatapos ng kaliwa’t kanang parties. Agree?
Ha-ha-ha! Drink responsibly, mga ka-Bulgar. Gets mo?





Comments