Napahiya na ang mga nega, mga atletang Pinoy, hataw sa SEA Games!
- Ka Ambo
- Dec 6, 2019
- 2 min read
Maituturing na golden year ng Philippine sports ang taong ito.
Umabot na sa 100 gold medals ang maisasalansan at malinaw na “hari ng Southeast Asian sports” ang ating bansa.
Klap! Klap! Klap!
◘◘◘
WALANG pagod sa paghakot ng ginto ang mga atleta na parang itlog ng itik na pinupulot sa athletic fields.
Inspirado sila sa world-class facilities at episyenteng pangangasiwa sa iba’t ibang sports disciplines!
◘◘◘
NANG maghari ang Pilipinas sa biennial meet noong 2005 — naitala nito ang 112 gold medals.
Pero, ang bilang na ‘yan ay malinaw na mabubura bago pa matapos ang kompetisyon.
Hindi pa tapos ang kompetisyon at maaaring madoble pa ang bilang ng gintong medalya!
◘◘◘
SA unang araw pa lamang ng 30th SEA Games ay nalagpasan na ng Pilipinas ang 24 gold medals na nakuha ng mga Pinoy noong 2017 SEA Games sa Malaysia.
Nakopo ang gold medal sa arnis, dancesport, wushu, gymnastics at iba pang sports events!
◘◘◘
TODO-SUPORTA ngayon ang gobyerno sa mga atleta at maging ang mga panauhing manlalaro ay masayang lumalahok.
Tinitingala ngayon ang Pilipinas bilang pinakamahuhusay na manlalaro at pinakaepisyente sa pangangasiwa ng palaro!
◘◘◘
KUNG binabatikos noon, ngayon ay pinupuri nang kaliwa’t kanan si PHISGOC Chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano.
Inaaksiyunan niya agad ang mga reklamo at ipinaliliwanag ang lahat ng aspeto sa mga kritiko.
Namumulat na ang lahat at nauunawaan ang tunay na sitwasyon sa SEA Games.
Kumbaga, masyado lang nag-emote ang mga Pinoy!
◘◘◘
KUNG mananahimik ang mga epal na kritiko, maaaring makakuha ng sapat na suporta ang Pilipinas sa Olympic Committee of Asia at sa pribadong sektor para maging host ng prestihiyosong Asian Games ang Pilipinas sa 2030.
Ipagdasal natin ito, ito ay malaking karangalan sa ating bansa at biyaya ng Diyos sa ating mga atleta!





Comments