top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nag-withdraw ng pang-birthday ng ina.. Binata hinoldap, tinodas ng riding-in-tandem

  • Jeff Tumbado
  • Dec 6, 2019
  • 1 min read

Hindi na natuloy ang masaya sanang selebrasyon ng kaarawan ng kanyang ina matapos barilin at mapatay ng mga holdaper ang checker at tangayin ang perang winithdraw nito sa bangko na pambili ng handa sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Rogelio Maliglig Lopez, 41, binata, checker ng Zenco Sales, Inc. at residente ng Bgy. Baesa, QC.

Sa inisyal na report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), naganap ang insidente alas-5:00 ng madaling-araw sa harap ng Metrobank na matatagpuan sa Quirino Hi-way, Bgy. Baesa.

Inutusan umano ang biktima ng kanyang ina na i-withdraw ang kanyang pension na nagkakahalagang P 11,000 upang gamiting panghanda ng huli sa kanyang kaarawan.

Nang ma-withdraw ng biktima ang nasabing halaga at pauwi na ay bigla itong hinarang ng dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo at agad siyang tinutukan ng baril ang rider at nagpahayag ng holdap.

Nagtangka umanong tumakbo ng biktima subalit, mabilis na bumaba ang isa sa mga holdaper hanggang sa magpambuno ang dalawa.

Rito na bumunot ng baril ang holdaper at binaril ang biktima saka nilimas ang nasabing halaga at agad na tumakas. Isinugod ang biktima sa Quezon City General Hospital subalit, idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page