top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kapamilya stars na tumulong sa kampanya, tablado kay P-Digong, DOS ipasasara pa rin

  • Pabs Hernandez III
  • Dec 6, 2019
  • 2 min read

PARANG KUMUHA NG BATO NA IPINUKPOK SA KANILANG ULO ANG MGA ARTISTA NG DOS NA SUMUPORTA NOON KAY P-DUTERTE — Hanggang ngayon, tila may galit pa rin si P-Duterte sa ABS-CBN (na hindi raw nagpalabas ng kanyang political ad noong 2016) kasi ang sabi niya ay huwag na raw umasa pa ang mga Lopez na mare-renew pa ang kanilang prangkisa na parang sinabi rin niyang pagsapit ng March 2020, sarado na ang TV Network.

Kung ganu’n, para palang kumuha ng bato na ipinukpok sa kanilang ulo ang mga artista ng ABS-CBN na sumuporta noon sa kandidatura ni P-Duterte kasi ang kandidato sa pagka-pangulo na kanilang ikinampanya noong 2016 ay siya palang magpapasara sa pinagtatrabahuhan nilang network, boom!

◘◘◘

KAPAG NAIPASARA ANG ABS-CBN, TAGILID ANG KANDIDATURA NI MAYOR SARA SA 2022 — Sakaling totohanin ni P-Duterte ang pagpapasara sa Kapamilya Network at ituloy naman ni Mayor Sara Duterte-Carpio ang pagtakbong pangulo sa 2022 ay mas lamang na ang talo niya kaysa panalo.

Tiyak na reresbak ang mga magiging jobless na artista ng ABS-CBN, siguradong mananawagan sila sa kanilang milyun-milyong tagahanga na ibasura ang kandidatura ni Mayor Sara dahil ang erpat nito ang nagpasara sa kanilang network, period!

◘◘◘

SA PAGIGING BATAS NG ‘MALASAKIT CENTER’, MALAMANG LULUGU-LUGO SI CONG. LAGMAN — Nilagdaan na ni P-Duterte ang “Malasakit Center Act” ni Sen. Christopher “Bong” Go. Ibig sabihin, magkakaroon na ng mga tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), PhilHealth at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lahat ng public hospital na magbibigay-tulong sa mga mahihirap na pasyente.

Dahil d’yan, malamang ay lulugu-lugo si Albay Rep. Edcel Lagman kasi sa lahat ng mga kongresista, siya lang ang tutol sa “Malasakit Center”, boom!

◘◘◘

MAG-ASAWANG MANRARAKET SA PASIG AT MARIKINA, I-‘TOKHANG’ NA — Mag-asawa raw sina “Cris” at “Rose” na may pa-lotteng at bookies sa mga lungsod ng Pasig at Marikina.

Kailan kaya gagawa ng aksiyon si EPD Director Brig. Gen. Johnson Almazan para ipa-“tokhang” ang mag-asawang ito na kapwa nanraraket sa mga residente ng Pasig at Marikina, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page