top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Inireklamo sa DARAB, hindi nakasagot kaso tuloy

  • Dr. Persida V. Rueda-Acosta
  • Dec 6, 2019
  • 2 min read

Dear Chief Acosta, Ano ang mangyayari sa pagkabigo ko na makasagot sa reklamong isinampa sa akin sa Provincial Agrarian Reform Adjudicator (PARAD)? — Oberin

Dear Oberin, Para sa inyong kaalaman, ang panuntunang naaangkop sa inyong sitwasyon ay ang Section 7, Rule VII ng 2009 Department of Agrarian Reform Adjudication Board (DARAB) Rules of Procedure kung saan nakasaad na:

“RULE VII Summons, Answer, and Submission of Evidence

SECTION 7. No Default Upon Failure to Answer. — When the defendant or respondent fails to file an answer, no declaration of default shall be made nor judgment by default be rendered.

The complainant or petitioner must proceed to prove his case and defendant or respondent shall be allowed to participate in subsequent proceedings and such defendant or respondent may request by motion that he be furnished copies of orders, pleadings and other processes. (Binigyang-diin)

Malinaw sa nabanggit na panuntunan na hindi maidedeklarang default o hindi maaaring magkaroon ng judgment by default kung ang defendant o respondent sa reklamong isinampa sa DARAB ay hindi nakapagsumite ng kanyang answer o sagot sa reklamo. Ayon sa nabanggit na panuntunan, ang naghahabla ay nararapat pa ring magpatuloy sa pagpapatunay ng kanyang mga alegasyon at ang kanyang inihabla naman ay nararapat pa ring maging bahagi ng pagdinig ng nasabing reklamo. Gayundin, maaaring mag-file ang inihabla ng motion upang siya ay payagang makatanggap pa rin ng kopya ng mga pleading, order, resolusyon at iba pang mga dokumento kaugnay sa reklamo.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page