top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Gilas Women’s 5x5 wagi vs. Indonesia

  • A. Servinio
  • Dec 6, 2019
  • 1 min read

Photo: foxsports

Positibo ang simula ng Pilipinas sa Women’s Basketball tournament ng 30th Southeast Asian Games sa Mall of Asia Arena Huwebes ng gabi. Tinalo ng Lady Gilas ang Indonesia, 63-56, ang isang koponan na may kasaysayan na dahilan ng maraming kabiguan ng mga Pinay.

Namuno sa panalo si Janine Pontejos na 16 puntos, tatlong assist at limang agaw. Sinundan siya ni Kelli Hayes na may 12 puntos habang may siyam na puntos si Jack Danielle Animam at humakot ng 12 rebounds. Sariwa pa ang panalo nina Pontejos, Animam at Afril Bernardino sa Women’s 3X3 noong isang araw. Susubukan nila ituloy ang paghanap ng unang ginto ng Pilipinas sa Women’s Basketball sa Linggo kontra sa Malaysia. Samantala, nagwagi ang Gilas men laban sa Singapore noong Miyerkules ng gabi, 110-58.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page