top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

‘Bata’, walang kupas sa SEAG; Chess at bowling, matamlay

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Dec 6, 2019
  • 1 min read

Photo: gmanetwork

Pinasaya nang husto ni Efren “Bata” Reyes ang kanyang mga kababayan bagamat hindi pa ito nakakukuha ng medalya matapos niyang ipakita ang pormang nagpasikat sa kanya at sa mga manunumbok na Pinoy sa buong mundo sa pamamagitan ng paglampaso sa kay Thai Thongchai Punyawee, 100-37, sa One Cushion Carom ng ginaganap na 30th SEA Games 9-Ball Billiards sa Manila Hotel Tent sa Maynila.

Sigawan ng “Efren! Efren!” ang paulit-ulit na narinig sa loob ng tent Miyerkules ng hapon nang sistematikong umalagwa ang “alamat” ng bilyar mula sa Angeles City.

Sa harap ng mga kamag-anak at tagahangang Pinoy, ang “senior citizen” na “Bata” ay nagposte ng mga agwat na lumaki nang lumaki simula sa 8-1, patungo sa 35-8, 50-14, 76-25, 90-30 at 99-36 bago tinuldukan ang panalo sa bakbakang may tuntuning unahan sa iskor na 100.

Haharapin ngayong Biyernes ni Reyes sa final 4 na duwelo ang Vietnamese ace na si Dinh Nai Ngo na isang podium finisher sa World Cup.

Tahimik na humakbang papunta sa 9-Balls singles semifinals ang 1-2 punch ng Philippine women’s billiards na sina Chezka Centeno at Rubilen Amit para manatiling buhay ang hangarin ng bansa ng isang all-Pinay finals.

Samantala, wala pa rin sa medal tally ang mga pintopplers ng bansa pagkatapos ng singles at doubles events sa kalalakihan at kababaihan pero anim sa kanila ay pasok sa top 8 sa All Events at sa Masters.

Tahimik na rin sa kampo ng mga woodpushers matapos na walang nakapasok sa rapid chess at sa random chess.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page