top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

'Pinas, good job, pinagho-host uli sa 2030 Asian Games

Ka Ambo
Dec 5, 2019
2 min read

Buong pagpapakumbaba na nag-sorry sina P-Digong at Speaker Alan Peter Cayetano sa aberyang naganap sa 30th Southeast Asian Games.

Kumbaga, ang nagpapakataas ay ibinababa at ang nagpapakababa ay itinataas!

◘◘◘

HINAHAMON palagi ng yumaong si Padre San Pedro ng Balagtas, Bulacan ang lahat sa isang kumpetisyon.

Ito ay ang torneo ng pagpapakumbabaan!

◘◘◘

NATUWA ang mga panauhing atleta at turista sa paghingi ng paumanhin ng mga organizers.

Isang mataas na antas ito ng hospitalidad!

◘◘◘

HUMANGA ang bise-presidente ng Olympic Council of Asia (OCA) na si Wei Jizhong sa pagpapakumababa ng mga organizers, gayung saksi siya sa napakagandang preparasyon.

Nilinaw ng Olympic official na normal lamang ang aberya na karaniwang nararanasan maging sa Asian Games!

◘◘◘

SA totoo lang, napakahirap maging organizer ng alinmang okasyon.

Napakahirap din na maging lider dahil responsibilidad mo ang lahat!

◘◘◘

NANINIWALA si Jizhong na may kapasidad, kakayahan at resources ang Pilipinas na maging host sa higit na prestihiyosong Asian Games sa hinaharap.

Hinikayat niya ang Pilipinas na magsumite ng bidding proposal para sa 2030 Asian Games!

◘◘◘

WORLD-class ang mga bagong gawang sports facilities kasama na ang Philippine Arena na pinakamalaking arena sa buong mundo.

Humanga rin siya sa bagong gawang stadium at aquatic center sa New Clark City!

◘◘◘

MAY expertise si Jizhong sa pagkilatis ng may kalidad at world-class na sports venues at napahanga siya sa Pilipinas.

Dahil d’yan, inspirado ang mga Pinoy kaya sa unang 2 araw, nagtumpok agad ng mahigit 30 gold medals ang mga atletang Pinoy!

◘◘◘

SOBRA ang 37 gold medals sa total na 23 gold medals na nakuha ng Pilipinas sa huling 2017 SEA Games event.

Ilang araw pa bago matapos ang biennial meet, doble ang bilang ng gold ng Pilipinas kontra sa pinakamalapit na karibal na Vietnam!

◘◘◘

INAASAHANG nating mabubusalan ang mga kritiko at tradisyunal na “makapili” na may talukbong ng sako sa ulo.

Bakit binabatikos ng kapwa Pinoy ang Pinoy sa okasyong nakataya ang karangalan ng bansa?

Nagtatanong lang naman!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page