Pag-postpone ni P-Digong sa Bgy. at SK elections, pinalagan ng NAMFREL
PONDONG PANGHALALAN, MAPUPUNTA SA ‘PORK’ NG MGA CONG.?—Malamang naglululundag sa tuwa ang mga kongresista nang lagdaan ni P-Duterte ang batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa Mayo, 2020 kung saan ang halalang ito ay sa Disyembre, 2022 na lang daw gaganapin.
Ang dahilan kung bakit happy ang mga kongresista, may tsansa kasi na ang pondong panghalalan ay sa ‘pork barrel’ nila mapunta, buwisit!
◘◘◘
PANAHON NA PARA KUWESTIYUNIN NG NAMFREL AT NI ATTY. MACALINTAL SA SC ANG LEGALIDAD NG BGY. AT SK ELECTIONS POSTPONEMENT—Tutol ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) na ipagpaliban ang Bgy. at Sangguniang Kabataan (SK) Elections dahil hindi raw dapat ipinagpapaliban ang anumang halalan sa bansa at ang bukambibig ni Election Lawyer Romulo Macalintal ay labag sa Konstitusyon na ikansela ang halalan dahil karapatan ng mamamayan na pumili ng mga nais nilang mamuno sa kanilang mga barangay.
Kung para kina NAMFREL Sec. Gen. Eric Alvia at Atty. Macalintal ay labag ito sa batas, ang dapat nilang gawin ay kuwestiyunin ito sa Supreme Court (SC) at hindi ‘yung dada lang sila nang dada sa isyu, period!
◘◘◘
MARAMING HENERAL SA PMA CLASS ‘86, ‘87, ‘88, ‘89 at '90 NA HINDI PA NAGING RD, PERO SI DANAO NA CLASS ‘91 AGAD ANG NAGING RD—Maraming heneral ang dismayado sa pagtalaga ni PNP-OIC Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa kay Brig. Gen. Vicente Danao, Jr. bilang regional director ng PNP-Region 4-A.
Ang dami pa raw kasing heneral mula sa PMA Class ‘86, ‘87, ‘88, ‘89 at ‘90 ang hindi pa nararanasang maging regional director, tapos si Gen. Danao na napakabata na mula sa PMA Class '91 ay naging regional director na, boom!
◘◘◘
NOONG PANAHON NI GEN. ELEAZAR SA NCRPO, TIKLOP ANG MGA ILEGALISTA, NGAYONG PANAHON NI GEN. SINAS, DUMAMI ANG MANRARAKET SA QC—Hindi pa rin daw tumitigil ang raket na jueteng at lotteng nina “Conrad”, “Gil” at “Pinong” sa Quezon City.
Noong panahon ni ex-NCRPO Director Maj. Gen. Guillermo Eleazar, tiklop ang mga ilegalista. Pero ngayong panahon ni NCRPO Director Brig. Gen. Debold Sinas, nagkaroon na ng mga manraraket sa QC, buwisit!





Comments