Condo unit na shabu lab, buking!

Photo: Abs-cbn News
Sinalakay ng mga awtoridad ang isang condominium unit na sinasabing front ng shabu laboratory sa Lungsod ng Quezon, kamakalawa ng gabi.
Kasunod ng nabanggit na raid ang pagkakadakip sa itinuturong chemist ng nabanggit na laboratory na si Jungkil Kim, 57, Korean national.
Ayon sa report kay Police Col. Ronnie Montejo, si Kim pa mismo ang umano’y nagsisilbing may-ari sa drug laboratory.
Armado ng search warrant, pinasok ng pinagsamang puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Manila Police District (MPD), QCPD District Drug Enforcement Group (DDEG) at Masambong Police Station ang condominium ni Kim sa Bgy. Sto. Cristo pasado alas-6:00 ng gabi.
Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Brig. General Debold Sinas, isang certified chemist umano si Kim sa Korea kung saan dito sa Pilipinas ninais nitong itayo ang kanyang drug laboratory.
Nasamsam sa naturang laboratory ang ilang instrumento sa paggawa ng itinuturing na high grade shabu at ang 11 pakete ng shabu na tumitimbang ng ilang kilo na nakabalot at handang ipakalat sa malaking bahagi ng Metro Manila at katabing lalawigan nito.





Comments