Carry over sa WTA

Magaganap ngayong gabi ang carry over sa Winner Take All (WTA) kasabay ng Additional One Win in Group Races sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Yes, mga suki may P850,376.94 ang paglalabanan sa WTA, na madadagdag ngayon sa nakatakdang karera. Bukod sa WTA, bibitawan ang Pick 6, Pick 5 at Pick 4 at Trifecta, Quartet at Pentafecta na tatayaan ng bayang karerista.
Tatawirin ang mga kalahok sa distansiyang 1,400 meters sa Condition Race at Group Race. Sa Race 1, magaganap ang WTA at Trifecta, Quartet, Pentafecta at paglalabanan ng mga kalahok na Breaking News, I love Jane at Bossa Nova at Silver Glow.
Sa Race 2, panimula ng Pick 6 kasabay ng Trifecta at Quartet paglalabanan ng mga kalahok na Ginuhit ng Tadhana, Deal Maker, My Dad Bogart, King Jeff.
Sa Race 3, maglalaban-laban ang mga kalahok na Hayaku Jabez, Deeper at Director’s Dona, isama ang Yes I Will at Apollo of Aquila sa quartet at pentafecta kasabay ng panimula sa Pick 5.
Sa Race 4, ipinapatok ang Raxa Bago habang ang Alta’s Glory, Easy Landing ang makakalaban sa Pick 4, Trifecta at Quartet.
Sa Race 5, nakalalamang ang Gee’s Prize at makakalaban ang Marino ng Tanglaw, isama sa Trifecta at Quartet ang Et Al at Laughing Tiger.
Nakalalamang ang Havana Oohnana habang ang Kingdom at Miss Marshall ang makakalaban ng mahigpit sa Race 6.
Ipinapatok ang She’s My Princess habang ang Boom Boom Thailer ay magbibigay ng magandang laban na magiging paratingan sa WTA, Pick 6, 5 at Pick 4 sa Race 7.





Comments