Windsurfing at Canoe Kayak kinansela dahil kay ’Tisoy’

Kinansela ng Southeast Asian Games Organizing ang nakatakdang laro ng Windsurfing events sa Subic Bay Yacht Club maging ang Canoe Kayak events dahil sa paparating na masama ng panahon dulot ng bagyong Tisoy.
Napagdesisyunan ng pamunuan ng SEA Games Subic cluster na ilipat na lang sa ibang araw kung saan maayos na ang panahon at wala na ang banta ng bago.
Inaasahang darating sa bansa ang bagyo kagabi o ngayong Martes ng madaling araw ayon sa tantiya ng pag-asa.
Nakatakdang magdulot ng madalas hanggang sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan sa Metro Manila, Bicol, Calabarzon, Mindoro, Marinduque, Romblon, Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan. Itinaas na ng Pag-asa ang signal no. 2 sa Catanduanes, Northern Samar at Eastern Samar, samantalang 19 na ibang lugar ay in ilagay sa signal no. 1.
Nakatakdang ganapin ang Windsurfing event sa Lighthouse Jetty Area at Subic Bay Yacht Club na maaaring ilipat sa Disyembre 5.





Comments