top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

USEC, P200K ang kotong kada buwan para sa mga may sablay sa permit, fire extinguishers, etc…

Pasaway Spotted
Dec 3, 2019
2 min read

Jeff Tumbado / Pasaway Spotted

Kitang-kita ni Mang Kanor na may alagang haliparot na bubuyog ang pagiging sobrang pasaway ng appointed undersecretary ng isang ahensiya na may kinalaman sa panloobang-ugnayan para sa lokal na gobyerno.

Ang bulong ni Mang Kanor, si usec ay palaging spotted sa golf course na nasa area ng Quezon City. And wait, there’s more! Regular siyang pumapalo sa golf course na ‘yun, at bukod sa libre siya ng ilang opisyal ng ahensiya ng pamatay sunog (na nasa kanyang likod para mag-cheer o sumipsip? He-he-he!), eh, nasa hindi naman kalayuan ang kanyang maputi, seksi at batambatang kulasisi. Hala, Mr. Usec, matulis ka rin pala, sundalo ka ngang tunay, dating sundalo if I may say so.

Makulit at paulit-ulit din na binubuliglig ang tainga natin ng haliparot na bubuyog na alaga ni Mang Kanor. Sa golf course raw na ‘yun, may lugar silang ginawang sikretong silid o VIP room para ru’n sila magkikita-kita at pagmitingan ang “tara” na nakukuha at naiipon ng regional directors ng pamatay-sunog sa buong bansa mula sa mga business establishments na may mga iregularidad o nasisilip na “butas”.

Tulad na lamang ng expired na ang permit, dilapidated building at mga walang fire extinguishers na karamihan nilang kinokotongan… monthly!

Tumpak! Sabi ni Mang Kanor, may sariling “bagmen” si Mr. Usec at ito ay ang mga matataas na opisyal mismo ng nabanggit na kagawaran.

Isipin ninyo, mga suking ka-BULGAR, hindi pumapayag si Mr. Usec na maliit lamang na halaga ang nakukuhang “tara” kundi daang libo, as in, P200,000 kada buwan ang utos niya sa mga “de-tiklop” na opisyal.

Ang angas ni Mr. Usec, militar na militar ang dating! Saludo kami sa bulsa mo, paldung-paldo! Totoong madaling yumaman kapag na-appoint ka sa posisyon na ‘yan. Merry na merry ang Pasko! Hooowaaaw!

Pero, Mr. Usec, in-appoint ka ni Mr. “El Presidente” hindi para mangurakot nang mangurakot kundi para sugpuin ang korupsiyon d’yan sa kagawaran na ‘yan.

Tsk-tsk-tsk!

May isusumbong ka bang pasaway na opisyal sa gobyerno? Ibulong mo sa akin, mag-text o tumawag sa 09982606938 o mag-email sa pasaway-spotted@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page