top of page
Pokwang.jpg

Thirdy Ravena, bomalabs sa PBA Rookie Draft

VA
Dec 3, 2019
1 min read

Hindi lalahok si 3-time UAAP Finals MVP na si Thirdy Ravena sa 2019 PBA Rookie Draft na idaraos sa Disyembre 8 sa Robinsons Place Manila.

Nagdesisyon ang dating Ateneo Blue Eagles star na huwag na munang umakyat sa professional ranks sa taong ito.

Ginusto ni Ravena na hindi magpa-draft upang mas maihanda ang kanyang sarili bago umakyat sa PBA sa pamamagitan ng pagsasanay sa ibang bansa o maglaro sa ilang torneo sa abroad para lalong mahasa ang kanyang basketball skills.

Bunga nito, lalong naging palaisipan kung sino ang tatanghaling top pick sa draft ngayong taon mula sa kabuuang 71 aplikante.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, tinawagan siya ni Ravena noong Huwebes pagkaraang makausap ang kanyang mga magulang na sina TNT coach Bong Ravena at volleyball legend Mozzy Ravena upang ipaalam ang kanyang desisyon.

Matatandaang ganito rin ang ginawa ng panganay na kapatid nyang si Kiefer na nagsanay muna ng isang taon sa US kung saan naglaro ito sa NBA G-League bago lumahok sa 2017 draft kung saan pinili sya at naging second overall pick ng NLEX.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page