top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

PHL women’s volley squad, may misyon vs. Vietnam

  • VA
  • Dec 3, 2019
  • 1 min read

Ngayong gabi na ang pinakahihintay na pagsalang ng Philippine women’s volleyball squad sa 30th Southeast Asian Games sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Misyon ng Nationals na muling mapanumbalik ang bansa sa dating kinaluluklukan nitong pedestal sa Southeast Asian region.

Taglay ang homecourt advantage, uumpisahan nila ang nasabing misyon sa pagharap nila sa koponan ng Vietnam ganap na ika-6:00 ngayong gabi (Dis.3).

Kasunod nito, makasasagupa nila ang defending champion Thailand sa Huwebes -Dis. 5 sa parehas ding oras bago ang Indonesia sa Sabado-Disyembre 7.

Inaasahang mamumuno ang national team ng mga beteranong sina Alyssa Valdez, Aby Maraño at Jovelyn Gonzaga. Makatutulong nila ang mga nakababata ngunit, palabang manlalaro na sina Maddie Madayag, Kath Arado at Eya Laure.

Hangad ng koponan na tapusin ang 14 na taong medal drought ng bansa sa women’s volleyball ng biennial games. Samantala, nauna ng sumalang ang Philippine men’s volleyball team kagabi kontra Cambodia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page