Pagnguya nang bukas ang bibig, nakakaimpatso
- Shane M. Ludovice, M.D
- Dec 3, 2019
- 1 min read
Dear Doc. Shane, Madalas akong magkaroon ng impatso. Mayroon ba akong puwedeng gawin upang maiwasan ito? — Seth
Sagot
Isa sa mga karaniwang dahilan ng pagkakaroon ng impatso ang labis na pagkain. Kabilang sa mga sintomas nito ang hirap sa paghinga dahil sa kabusugan, pagkakaroon ng acidic taste sa bibig at pakiramdam na animo ay masusuka. Ang pag-inom ng kape ay maaaring makatulong upang maibsan ang impatso.
Kung madalas magkaroon ng impatso dahil sa dami ng kinain, uminom ng kape o tsaa para mainitan ang tiyan. Makatutulong din ang pag-inom ng mga antacid.

Para makaiwas sa pagkakaroon ng impatso, narito ang ilang mga payo mula sa eksperto: • Hinay-hinay lang sa pagkain. • Huwag ngumuya nang nakabukas ang bibig. • Uminom ng maraming tubig pagkatapos kumain, hindi habang kumakain. • Iwasang matulog agad lalo na kung maraming kinain. • Kung hindi mapigilan ang antok, siguruhing mataas ang unan at hindi ito nakapantay sa mga paa.
Bagama’t, madalas balewalain ng iba ang pagkakaroon ng impatso, posible rin itong maging sintomas ng iba pang kondisyon tulad ng pagkakaroon ng ulcer, stomach cancer, thyroid diseases at bato sa apdo.
Ipinapayo na kapag nakaramdam ng palagiang sintomas ng impatso kahit hindi sobra kung kumain, mas makabubuti kung ikokonsulta na agad ito sa doktor.





Comments