top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Mehan Garden Plaza, nagamit sa kasalang-bayan

Isko Moreno
Dec 3, 2019
1 min read

Inilunsad ng Manila Civil Registry Office sa pangunguna ni Atty. Chris Tenorio, ang “Kasalang Bayan 2019” noong Biyernes, ika-29 ng Nobyembre sa mas pinagandang Mehan Garden Plaza.

Inihatid ni Manila City Vice-Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pambungad na pananalita, binigyang-diin niya ang pagiging sagrado ng kasal at ang kahalagahan nito sa pagsasama ng mga mag-asawa.

“Sinumang pinag-isa ng Panginoon ay ‘di dapat paghiwalayin ninuman,” ani Vice-Mayor Lacuna-Pangan.

Pinangunahan din natin ang pag-iisang-dibdib ng 135 na magkabiyak mula sa iba’t ibang distrito ng Maynila.

“Ipinapanalangin natin ang inyong matagumpay na pagsasama, malusog na pangangatawan sampu ng inyong mga magiging supling at mapagtagumpayan sana ninyo ang inyong mga pangarap.”

Si Bb. Kim Simbahan ang nagsilbing guro ng palatuntunan. Kabilang sa mga nagtanghal ay ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila Student Society Chorale, Manila City Chorale, PARC Aralan Musical Scholars, UP Singing Ambassadors at Tales of Music Strings.

Unti-unti ay napapakinabangan na natin ang Mehan Garden Plaza at iba pang mga parke sa lungsod. Patuloy ninyong ipanalangin na maipagpatuloy natin ito at mas maging maayos pa para maibalik natin ang dating sigla ng Maynila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page