Madlang pipol, nagkaisa dahil sa SEA Games
- Korina Sanchez
- Dec 3, 2019
- 1 min read
Opisyal nang nagsimula ang 30th Southeast Asian Games sa bansa. Naganap na ang Opening Ceremony sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Maganda ang naganap na seremonya kung saan ipinakita ang iba’t ibang kultura ng ating bansa.
Malinaw na ginastusan ang kaganapan batay sa dami ng ganap, kasuotan at entablado. May ilang performance — kumanta at sumayaw.
Pero nang lumabas na ang mga bida ng okasyon — ang mga atleta — ipinakita ng bawat isa ang kani-kanyang suporta — live audience man, nasa kani-kanyang tahanan o saanmang sulok ng bansa.
Kapansin-pansin na hindi nawala ang selfie mula sa delegasyon ng iba’t ibang bansa na nakilahok sa SEA Games habang pumarada sila sa entablado.
Sa kabuuan, wala namang naganap na aberya.
Samantala, inaasahan nating sa mga susunod na araw ay magpatuloy ang maayos na sistema at pokus muna sa pagsuporta sa ating mga atleta. Ngayong tapos na ang seremonya, labanan na!





Comments