Cayetano, akala lusot na, sapul kay Mayor Sara sa SEA Games
- Pabs Hernandez III
- Dec 3, 2019
- 2 min read
AKALA NI CAYETANO, STOP NA ANG BATIKOS SA KANILA, MERON PA PALA, BANAT NI MAYOR SARA — Binatikos ni Mayor Sara Duterte-Carpio ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) dahil sa ang kantang Manila ang ginamit sa pagparada ng mga atletang Pinoy kasi hindi naman daw ito sumisimbolo sa Pilipinas at hindi rin daw akma ang
Tagalog song na ito sa mga taga-Visayas at Mindanao.
Akala ni Speaker Alan Peter Cayetano, chairman ng PHISGOC, ngayong inumpisahan na ang 30th SEA Games ay wala nang aatake sa kanilang grupo, meron pa pala at ang matindi, anak pa ng pangulo ang bumatikos sa kanila, boom!
***
TROPANG MOCHA, ‘NGANGA’ SA ATAKE NI MAYOR SARA KAY CAYETANO — Ang mga personalidad na pumupuna sa mga sablay ng PHISGOC sa pamamahala ng SEA Games ay inuupakan ng grupo ni Mocha Uson sa social media na kesyo “dilawan” daw ang mga ito na ang layunin ay siraan lang si Cayetano.
Pero nang si Mayor Sara na ang umatake sa grupo ni Cayetano, natameme at “nganga” lang ang tropa ni Mocha, ha-ha-ha!
***
DALAWANG BESES NA PAG-SORRY NI CAYETANO, PATUNAY NA HINDI FAKE NEWS ANG MGA ABERYA SA SEA GAMES — Sabi ni Sen. Christopher “Bong” Go, nag-sorry daw si Cayetano kay P-Duterte sa mga aberyang nangyari sa SEA Games.
Kamakailan, humingi rin ng sorry si Cayetano sa mga dayuhang atleta na nakaranas ng mga aberya sa bansa. Dahil dalawang beses nag-sorry si Cayetano, ibig sabihin, hindi fake news ang mga aberya sa SEA Games, period!
***
DAPAT LANG MAG-NO. 1 ANG PILIPINAS SA SEA GAMES — Nangunguna ang Pilipinas sa dami ng medalyang ginto na napanalunan sa SEA Games.
Tulad nga nang sinabi ni Sen. Imee Marcos, sa laki ng ibinigay na pondo ng gobyerno sa grupo ni Cayetano ay dapat mag-no. 1 ang Pilipinas dahil kung hindi, baka raw magalit ang publiko, boom!
***
CALAMBA CITY, MAY JUETENG NA, MAY VIDEO KARERA PA — Hindi lang pala STL con jueteng ni “Tita” ang nag-o-operate sa Calamba City, Laguna, kundi pati mga video karera ni “Rico”.
‘Yan ang Calamba City sa pamamahala nina Mayor Justin Chipeco at Lt. Col. Gene Licud, may jueteng na, may mga “VK devil machine” pa, buwisit!





Comments